Mga Bansa sa Silangang Asya at Likas na Yaman ng Silangang
Asya (part
4)
Binubuo
ng Hapon, tsina , Taiwan Monggolia at Korea ang Silanggang Asya . pinakaliblib
sa buong asya na bahaging ito na napakahirap puntahan .
Ang
Tsina ay pangatlong pinakamalaking bansa sa buong daigdig. Sakop nito ang (0
porsyento ng buong lupain ng asya. Ito ay may mga mayayamang mga kapatagan at
lambak. Makikita sa China ang mga ilog Hwang He at Yangtze na siyang nagging
unang lundayan ng maraming likas na sibilisasyon.
Ang
Korea ay nahahati sa dalawang bahagi , ang timog Korea at Hilagang Korea na
parehong nabibiyayaan ng maraming likas na yaman.
Ang
Taiwan na dating tinatawag na Formosa ay may 140 kilometro ang layo sa baybayin
ng Tsina.
KOREA
Hilagang Korea:
Opisyal na Pangalan: Democratic People’s Republic of Korea
Uri ng Pangalan:
Communist.
Timog Korea:
Opisyal na
Pangalan: Republic of Korea .
Uri hg Pamahalaan:
Republikia .
Ang Korea ay isang Tangway na napaliligiran ng mga bansang
Tsina, Russia , at Japan.
Mabubundok ang kabuuan ng Korea lalo na ang silangang
bahagi nito. mahigit sa 160 kilometro ang layo nito sa bansang hapon. Malapit
ito sa lalawigan ng Manchi na pinagmulan umano ng lahing Koreano.
Matatagpuan ang
mga lambak , sapa , at bukid sa kanlurang gawi ng bahagi ng bansa . palay at
Barley ang mga pangunahing butil na inaani sa buong Korea. Bagamat kakaunti ang mineral na makikita sa
bansang ito , mayroon naman itong malawak na kagubatan na nag sisilbing hanguan
ng kanilang kabuhayan . Higit na malaki ang sakop ng Hilagang Korea kaysa sa Timog korea ngunit halos pareho
lamang silang may may mayamang pananim at
mabundok ang pook na pinagmumulan ng kanilang mga industriya.
MONGOLIA
Uri ng Pamahalaan:
Republika.
Isa sa malaking
bansa sa Asya ang Mongolia. Malalawak ang kapatagan ditto kaya’t nakasalalay sa
pag-aalaga ng mga hayop ang ekonomiya ng bansa . Mas marami ang bilang ng
inaalagaang hayop kaysa kaysa bilang ng tao sa Mongolia.
Ang Mongolia ay
oinalilibutan ng Russia at China. Ang klima rito ay paiba-iba. Lubhang mainit sa Disyerto kaya’t hindi ito
pinaninirahan ngunit napakalamig naman sa mga bundok.
May deposito ng
uling, ginto , tungsten , uranium , at
gas sa Mongolia na pinapahalagahan ngayon. Kasapi ng UN ang bansa .
Ang Mongolia ay
binubuo ng mga talampas, disyerto , at bundok . Ang pagsasaka sa bansang ito ay
hindi nararapat sapagkat kakaunti lamang ang ulan at masyadong mainit ang
klimang nararanasan dito. Dahil sa klimang ito kakaunti lamang ang pagkain rito
kaya kakaunti rin ang mga taong naninirahan sa rehiyong ito. Ang pag hahayupan
an gang pangunahing kabuhayan sa Gitnang Asya. Sa ganitong gawain kaya lumaking
mga laglag ang mga tao rito. Madalas silang mag hanap ng mga pook na pag
papastulan ng kanilang mga alagang hayop. Lubhang napaka bagal ang sibilisasyon
sa lugar na ito dahil sa katangiang pisikal ng bansa na hindi angkop sa
pamumuhunan. Subalit maraming manlalakbay at mangangalakal ang paroon at parito
sa rehiyon dahil sa ito ang nag durugtong ng mga daan mula sa Timog Kanluran,
Timog, at Silangang Asya. Ang mga rutang ito ang nagging dahlian upang
lumaganap ang pangangalakal, pagpapalitan ng kaisipan, at pagkakaiba ng kultura
ng Asyano.
Makikita ang
bansang Mongolia sa mas mataas na pook ng Asya, malapit ito sa Tsina at sa
Unyong Sobyet. Ang kabuuan ng Mongolia ay tuyo at ang klima nito ay katulad rin
ng mga nasa disyerto. Ang mga kabundukan na madalas na makaranas ng pag ulan ay
makikita sa hilaga at hilagang kanluran ng bansa. Sa pook na ito maraming
halaman at damo na sapat na pagkain ng kanilang ipinapastol ng mga hayop. Sa
timog matatagpuan ang Disyertong Gobi na puro bato at graba. Ang disyerto ng
Gobi ang nag hahati sa Mongolia sa dalawang bahagi. Ang loobang Mongolia at
labasang Mongolia (inner at outer Mongolia). Ang outer Mongolia ay hindi patag
subalit mayroon naman itong sapat na patubig. Ulan Bator ang kabisera nito. Ang
inner Mongolia na ngayo’y isa nang autonomous region o nagsasarili na at
nakahiwalay na sa Tsina ay may na tigang na lupa ngunit may malaking deposito
ng asero. Paminsan minsan ay umuulan rin sa rehiyong ito kaya’t nakapag tanim
rin sila. Mga intsik (Tsino) na lumikas sa Tsina ang karamihan sa mga taong
naninirahan dito. Masikap ang mga taong ito kumpara sa katutubong Mongolia na
sanay sa paglagalag.
TAIWAN
Tinatawag na Formosa noon ang bansang Taiwan. Mabundok ang
pulong ito na may 140 kilometrong layo sa baybayin ng Tsina. Kakaunti lamang
ang bilang ng mga taong nagsasaka sa bansang ito ngunit kung ihahambing sila sa
ibang magsasaka sa Asya, higit silang nakaririwasa. Ang mga sukat ng bukirin sa
Taiwan ay karaniwang isang ektarya lamang kaya binubungkal din nila ang mga
gilid ng burol upang mapagtaniman. Pinya, saging, tsa, dalanghita, asukal,
asparagus, kamote, at iba pa ang mga pangunahing tanim na makikita rito.
Ang mga
kagubatan sa Taiwan ay matatagpuan mula sa hilaga hanggang Timog. Ito ay may
matataas at makakapal na punong kahoy. Nakukuha mula sa kagubatang ito ang mga
produktong gaya ng papel, plywood, kawayan at torso na kanilang iniluluwas sa
ibang bansa. May mina rin sila ng ganito, apog, tanso, asupre at langis na
ginagamit nila sa kanilang mga industriya.
TSINA
Itinuturing na pangatlong pinakamalaking bansa sa buong
daigdig ang Tsina. Sinasakop nito ang 90 porsyento ng buong lupain ng Silangang
Asya. Sa buong Asya, ito ang may pinakamalaki at pinaka malawak na kapatagan at
lambak. Ang mga ilog Hwang Ho (ilog Dilaw) at Yangtze ang nag bibigay buhay at
nag sisilbing patubig sa mga taniman. Subalit kapag umapaw naman ang tubig sa
mga ilog na ito, pagkawasak at pagkamatay ang nagiging bunga nito.
Maraming bundok
at burol ang makikita sa Tsina. May magandang klima ang nararanasan rito. Sa
bandang Canton nararanasan ang sobrang init ngunit nagkaka roon rin ng pag ulan
ng yelo lalung lalo na sa panahon ng taglamig. Ang timog Tsina, na mas malapit
sa dagat, ay karaniwang higit na inuulan kaysa hilaga at kanluran na tuyo kapag
tag araw at kung taglamig naman ay sobra ang ginaw.
mAkukuha ang
deposito ng Karbon sa halos lahat ng mga probonsya ng Tsina . Ito ang isang
dahilan kaya ninanais itong sakupin ng
mga haponesnoon araw. Maliban sa karbon , makakakuha rin sa Tsinan g mga ginto,
asero , asoge, tanso lata at iba pa .
Binubuo
ng Hapon, tsina , Taiwan Monggolia at Korea ang Silanggang Asya . pinakaliblib
sa buong asya na bahaging ito na napakahirap puntahan .
Ang
Tsina ay pangatlong pinakamalaking bansa sa buong daigdig. Sakop nito ang (0
porsyento ng buong lupain ng asya. Ito ay may mga mayayamang mga kapatagan at
lambak. Makikita sa China ang mga ilog Hwang He at Yangtze na siyang nagging
unang lundayan ng maraming likas na sibilisasyon.
Ang
Korea ay nahahati sa dalawang bahagi , ang timog Korea at Hilagang Korea na
parehong nabibiyayaan ng maraming likas na yaman.
Ang
Taiwan na dating tinatawag na Formosa ay may 140 kilometro ang layo sa baybayin
ng Tsina.
Ang
Gitnang Hilagang Asya
Topograpiya at klima
Pinaghihiwalay
ng kabundukan ng Ural na matatagpuan sa Russia ang mga kontinenteng Asya at
Europa. Ang Siberya , ang malawak na rehiyong binubuo ng bahagi ng Asya ng
Russia , ay may napakalamig na klima kaya’t halos walang naninirahan ditto subalit may mga lugar ditto na
nagtataglay ng matabang lupa. Mayroong tatlong pangunahing ilog sa Rehiyon na
umaagos hanggang Karagatang Arctic. Ang mga ilog na ito ay ang Ob, Yenisey , at
Lena na kadalasang nag yeyelo . Ang panahon ng tag lamig sa Gitnang Asya ay
karaniwang tumatagal ng hanggang anim na buwan , kaya’t sandail lamang ay ang
Panahon ng tag-init.
Likas na Yaman
Bagama’t
nababalutan ng yelo , makikita pa rin sa parin sa rehiyon ang mga
masasaganang deposito ng mineral tulad
ng karbon , asero , langis, bakal, lata, ginto ay diamante. Mabagal ang
Produksyon ng pagkain ditto sanhi ng sobrang lamig na temperature.
KAZAKHSTAN
Opisyal na PAngalan: Republic of Kazakhstan .
Uri ng Pamahalaan: Republika .
Ang Kazakhstan
ay dating sakop ng Unyong Sobyet subalit nang mabuwag ay humiwalay upang
magtatag ng isang malayang republika . Ito ay napapalibutan ng Russia sa hilaga
at kanluran : Turkmenistan, Uzbekistan, at Kyrgyztan sa timog , At Tsina sa Timog-Silangan.
Mabundok at
mataas ang mga lupain sa bansa. Ang kapatagan ay halos tuyo at walang puno.
Mayroon din ditong malawak na disyerto. Tanging ang hilagang bahagi ng Kazakhstan
ang maaaring pag taniman.
Ang pangunahing
industriya sa bansa ay ang pag mimina at pag dadalisay ng langis. May mayamang
deposito ng copper, lead, zinc, nickel, bakal, manganese, ginto, at pilak dito.
Kasapi ng UN,CIS, at OSCE ang Kazakhstan.
KYRGYZSTAN
Opisyal na Pangalan: Kyrgyz Republic
Uri ng Pamahalaan: Republika
Katulad ng nauna, ang Kyrgyzstan ay dati ring kabilang sa
Unyong Sobyet subalit nag pahayag ng kalayaan noong 1991 nang mabuwag ang USSR.
Ang Kyrgyzstan
ay napaliligiran ng Kazakhstan sa hilaga, Tsina sa silangan, Tajikistan sa
Timog, at Uzbekistan sa Kanluran.
Maraming
bulubundukin sa bansa at sa gitna ng mga ito ay makikita ang malalawak na
lambak, talampas, at malalaking lubak. Mayaman sa mineral ang Kyrgyzstan kaya’t
isa sa mga industriya rito ay ang pagmimina. Ang Kyrgyzstan ay kasapi ng UN,OSCE,
at CIS.
RUSSIA
Opisyal na Pangalan: Russian Federation
Uri ng Pamahalaan: Federal Republic
Ang Russia ay ang pinaka malaking bansa sa buong Mundo.
Sakop nito 1/9 ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Saklaw nito ang isang
bahagi ng Europa at isang bahagi ng Asya. Ang bahaging Asya ng Russia na nasa
silangan ng kabundukan ng Ural ay tinatawag na Siberia. Ang rehiyon ng Siberia
ay may lawak na 13,488,588 kilometro kwadrado. Maraming bulubundukin dito at
ang ilan sa mga ito ay ang Yablonovy, Stanovoy, at Sayan.
Ang mga
likas na pinagkukunan ng yaman nito ay
kakaunti, maliban sa mga mineral at hindi gaanong nalilinang ang mga yamang
mineral dahil sa kalayaan ng mga pinagkukunan ng capital at teknolohiya.
Makikita sa Siberia ang deposito ng langis na tinatayang pinaka malaki sa buong
Asya. Sa mga gilid ng Artiko, ang mga halamng tumutubo ay mga lumot at pako,
gayundin ang ilang punong conifer tulad ng igos. Sa dakong Timog ng Siberia
makikita ang matataas na damo at mga punong Willow at birch. Makikita ang mga
Hayop na oso, lobo, fox, sable, at lynx sa bansang ito. Ang balahibo ng mga ito
ay ginagamit sa paggawa ng mga kasuotang panlamig.
Kasapi ng UN,
CIS, APEC at OSCE ang Russia.
TAJIKISTAN
Opisyal na Pangalan: Republic of Tajikistan
Uri ng Pamahalaan: Republika
Napalilibutan ang Tajikistan ng mga bansang Uzbekistan sa
kanluran, Kyrgyzstan sa hilaga, Tsina sa silangan at Afghanistan sa timog.
Mabundok ang bansa at ang karamihan sa mga ito ay nababalutan ng yelo sa
tuktok.
Pag sasaka ang
ikinabubuhay ng mga tao rito. Ang mga pangunahing ani nila ay bulak, bigas,
trigo, at prutas. Mayaman sa mineral ang bansang Tajikistan. Mayroon ditong
malaking deposito ng langis, uranium, mercury, uling, lead, at zinc.
Ang bansang Tajikistan
ay kasapi ng UN,CIS, at OSCE.
TURKMENISTAN
Uri ng Pamahalaan: Republika
Ang bansang Turkmenistan ay isang bansang ubod nang init
kaya’t tuyo at tigang ang lupain dito. Bihitang pumatak ang ulan sa lugar na
ito sapagkat ang malaking bahagi ng bansa ay nasasakop ng Kara-Kum Desert.
Matatagpuan ang
bansang Turkmenistan malapit sa Dagat Caspian at napaliligiran ng Kazakhstan,
Uzbekistan, Afghanistan, at Iran.
Bagama’t tuyot
ang lupain, nakakapag ani parin ng bulak, ubas, mais, at trigo rito. Langis ang
pinaka mahalagang produkto sa bansa. May depositor in ng sulfur, at uling dito.
Kasapi ito ng UN, CIS, at OSCE.
UZBEKISTAN
Opisyal na Pangalan: Republic of Uzbekistan
Uri ng Pamahalaan: Republika
Isang bansa sa Gitnang Asya na nahahangganan ng Kazakhstan,
Kyrgyzstan, Tajikistan, Afghanistan, at Turkmenistan ang Uzbekistan. Ito’y isa
sa malalaking prodyuser ng bulak sa buong mundo. Bukod dito, umaani rin ang
bansang Uzbekistan ng trigo, prutas, at gulay. Mayaman din ito sa mga mineral
na tulad ng mga gas, langis, uling, ginto, uranium, pilak at copper. Ang
Bansang Uzbekistan ay miyembro ng UN, CIS, at OSCE.
WynnCasino - Dr. Maryland
TumugonBurahinFind the best value 구리 출장샵 on our 속초 출장샵 Wynn casino review. Claim 강릉 출장샵 a welcome bonus worth $500, plus 100 free spins! Get instant access to 속초 출장안마 our amazing 안양 출장샵