Linggo, Agosto 3, 2014

Mga Bansa sa Silangang Asya at Likas na Yaman ng Silangang Asya (part 4)
Binubuo ng Hapon, tsina , Taiwan Monggolia at Korea ang Silanggang Asya . pinakaliblib sa buong asya na bahaging ito na napakahirap puntahan .
Ang Tsina ay pangatlong pinakamalaking bansa sa buong daigdig. Sakop nito ang (0 porsyento ng buong lupain ng asya. Ito ay may mga mayayamang mga kapatagan at lambak. Makikita sa China ang mga ilog Hwang He at Yangtze na siyang nagging unang lundayan ng maraming likas na sibilisasyon.
Ang Korea ay nahahati sa dalawang bahagi , ang timog Korea at Hilagang Korea na parehong nabibiyayaan ng maraming likas na yaman.
Ang Taiwan na dating tinatawag na Formosa ay may 140 kilometro ang layo sa baybayin ng Tsina.

KOREA
Hilagang Korea:  Opisyal na Pangalan: Democratic People’s Republic of Korea
Uri  ng Pangalan: Communist.
Timog Korea:
   Opisyal na Pangalan: Republic of Korea .
   Uri hg Pamahalaan: Republikia .

Ang Korea ay isang Tangway na napaliligiran ng mga bansang Tsina, Russia , at Japan.
Mabubundok ang kabuuan ng Korea lalo na ang silangang bahagi nito. mahigit sa 160 kilometro ang layo nito sa bansang hapon. Malapit ito sa lalawigan ng Manchi na pinagmulan umano ng lahing Koreano.
     Matatagpuan ang mga lambak , sapa , at bukid sa kanlurang gawi ng bahagi ng bansa . palay at Barley ang mga pangunahing butil na inaani sa buong Korea.  Bagamat kakaunti ang mineral na makikita sa bansang ito , mayroon naman itong malawak na kagubatan na nag sisilbing hanguan ng kanilang kabuhayan . Higit na malaki ang sakop  ng Hilagang Korea  kaysa sa Timog korea ngunit halos pareho lamang silang may may mayamang pananim at  mabundok ang pook na pinagmumulan ng kanilang mga industriya.

MONGOLIA
   Uri ng Pamahalaan: Republika.

     Isa sa malaking bansa sa Asya ang Mongolia. Malalawak ang kapatagan ditto kaya’t nakasalalay sa pag-aalaga ng mga hayop ang ekonomiya ng bansa . Mas marami ang bilang ng inaalagaang hayop kaysa kaysa bilang ng tao sa Mongolia.
  
  Ang Mongolia ay oinalilibutan ng Russia at China. Ang klima rito ay paiba-iba.  Lubhang mainit sa Disyerto kaya’t hindi ito pinaninirahan ngunit napakalamig naman sa mga bundok.
 
   May deposito ng uling, ginto , tungsten ,  uranium , at gas sa Mongolia na pinapahalagahan ngayon. Kasapi ng UN ang bansa .

    Ang Mongolia ay binubuo ng mga talampas, disyerto , at bundok . Ang pagsasaka sa bansang ito ay hindi nararapat sapagkat kakaunti lamang ang ulan at masyadong mainit ang klimang nararanasan dito. Dahil sa klimang ito kakaunti lamang ang pagkain rito kaya kakaunti rin ang mga taong naninirahan sa rehiyong ito. Ang pag hahayupan an gang pangunahing kabuhayan sa Gitnang Asya. Sa ganitong gawain kaya lumaking mga laglag ang mga tao rito. Madalas silang mag hanap ng mga pook na pag papastulan ng kanilang mga alagang hayop. Lubhang napaka bagal ang sibilisasyon sa lugar na ito dahil sa katangiang pisikal ng bansa na hindi angkop sa pamumuhunan. Subalit maraming manlalakbay at mangangalakal ang paroon at parito sa rehiyon dahil sa ito ang nag durugtong ng mga daan mula sa Timog Kanluran, Timog, at Silangang Asya. Ang mga rutang ito ang nagging dahlian upang lumaganap ang pangangalakal, pagpapalitan ng kaisipan, at pagkakaiba ng kultura ng Asyano.
     Makikita ang bansang Mongolia sa mas mataas na pook ng Asya, malapit ito sa Tsina at sa Unyong Sobyet. Ang kabuuan ng Mongolia ay tuyo at ang klima nito ay katulad rin ng mga nasa disyerto. Ang mga kabundukan na madalas na makaranas ng pag ulan ay makikita sa hilaga at hilagang kanluran ng bansa. Sa pook na ito maraming halaman at damo na sapat na pagkain ng kanilang ipinapastol ng mga hayop. Sa timog matatagpuan ang Disyertong Gobi na puro bato at graba. Ang disyerto ng Gobi ang nag hahati sa Mongolia sa dalawang bahagi. Ang loobang Mongolia at labasang Mongolia (inner at outer Mongolia). Ang outer Mongolia ay hindi patag subalit mayroon naman itong sapat na patubig. Ulan Bator ang kabisera nito. Ang inner Mongolia na ngayo’y isa nang autonomous region o nagsasarili na at nakahiwalay na sa Tsina ay may na tigang na lupa ngunit may malaking deposito ng asero. Paminsan minsan ay umuulan rin sa rehiyong ito kaya’t nakapag tanim rin sila. Mga intsik (Tsino) na lumikas sa Tsina ang karamihan sa mga taong naninirahan dito. Masikap ang mga taong ito kumpara sa katutubong Mongolia na sanay sa paglagalag.
TAIWAN
Tinatawag na Formosa noon ang bansang Taiwan. Mabundok ang pulong ito na may 140 kilometrong layo sa baybayin ng Tsina. Kakaunti lamang ang bilang ng mga taong nagsasaka sa bansang ito ngunit kung ihahambing sila sa ibang magsasaka sa Asya, higit silang nakaririwasa. Ang mga sukat ng bukirin sa Taiwan ay karaniwang isang ektarya lamang kaya binubungkal din nila ang mga gilid ng burol upang mapagtaniman. Pinya, saging, tsa, dalanghita, asukal, asparagus, kamote, at iba pa ang mga pangunahing tanim na makikita rito.
     Ang mga kagubatan sa Taiwan ay matatagpuan mula sa hilaga hanggang Timog. Ito ay may matataas at makakapal na punong kahoy. Nakukuha mula sa kagubatang ito ang mga produktong gaya ng papel, plywood, kawayan at torso na kanilang iniluluwas sa ibang bansa. May mina rin sila ng ganito, apog, tanso, asupre at langis na ginagamit nila sa kanilang mga industriya.
TSINA
Itinuturing na pangatlong pinakamalaking bansa sa buong daigdig ang Tsina. Sinasakop nito ang 90 porsyento ng buong lupain ng Silangang Asya. Sa buong Asya, ito ang may pinakamalaki at pinaka malawak na kapatagan at lambak. Ang mga ilog Hwang Ho (ilog Dilaw) at Yangtze ang nag bibigay buhay at nag sisilbing patubig sa mga taniman. Subalit kapag umapaw naman ang tubig sa mga ilog na ito, pagkawasak at pagkamatay ang nagiging bunga nito.
     Maraming bundok at burol ang makikita sa Tsina. May magandang klima ang nararanasan rito. Sa bandang Canton nararanasan ang sobrang init ngunit nagkaka roon rin ng pag ulan ng yelo lalung lalo na sa panahon ng taglamig. Ang timog Tsina, na mas malapit sa dagat, ay karaniwang higit na inuulan kaysa hilaga at kanluran na tuyo kapag tag araw at kung taglamig naman ay sobra ang ginaw.

     mAkukuha ang deposito ng Karbon sa halos lahat ng mga probonsya ng Tsina . Ito ang isang dahilan  kaya ninanais itong sakupin ng mga haponesnoon araw. Maliban sa karbon , makakakuha rin sa Tsinan g mga ginto, asero , asoge, tanso lata at iba pa .
Binubuo ng Hapon, tsina , Taiwan Monggolia at Korea ang Silanggang Asya . pinakaliblib sa buong asya na bahaging ito na napakahirap puntahan .
Ang Tsina ay pangatlong pinakamalaking bansa sa buong daigdig. Sakop nito ang (0 porsyento ng buong lupain ng asya. Ito ay may mga mayayamang mga kapatagan at lambak. Makikita sa China ang mga ilog Hwang He at Yangtze na siyang nagging unang lundayan ng maraming likas na sibilisasyon.
Ang Korea ay nahahati sa dalawang bahagi , ang timog Korea at Hilagang Korea na parehong nabibiyayaan ng maraming likas na yaman.
Ang Taiwan na dating tinatawag na Formosa ay may 140 kilometro ang layo sa baybayin ng Tsina.

Ang Gitnang Hilagang Asya


Topograpiya at klima

     Pinaghihiwalay ng kabundukan ng Ural na matatagpuan sa Russia ang mga kontinenteng Asya at Europa. Ang Siberya , ang malawak na rehiyong binubuo ng bahagi ng Asya ng Russia , ay may napakalamig na klima kaya’t halos walang naninirahan  ditto subalit may mga lugar ditto na nagtataglay ng matabang lupa. Mayroong tatlong pangunahing ilog sa Rehiyon na umaagos hanggang Karagatang Arctic. Ang mga ilog na ito ay ang Ob, Yenisey , at Lena na kadalasang nag yeyelo . Ang panahon ng tag lamig sa Gitnang Asya ay karaniwang tumatagal ng hanggang anim na buwan , kaya’t sandail lamang ay ang Panahon ng tag-init.

Likas na Yaman
     Bagama’t nababalutan ng yelo , makikita pa rin sa parin sa rehiyon ang mga masasaganang  deposito ng mineral tulad ng karbon , asero , langis, bakal, lata, ginto ay diamante. Mabagal ang Produksyon ng pagkain ditto sanhi ng sobrang lamig na temperature.

KAZAKHSTAN
Opisyal na PAngalan: Republic of Kazakhstan .
Uri ng Pamahalaan: Republika .

     Ang Kazakhstan ay dating sakop ng Unyong Sobyet subalit nang mabuwag ay humiwalay upang magtatag ng isang malayang republika . Ito ay napapalibutan ng Russia sa hilaga at kanluran : Turkmenistan, Uzbekistan, at Kyrgyztan sa timog , At Tsina  sa Timog-Silangan.
     Mabundok at mataas ang mga lupain sa bansa. Ang kapatagan ay halos tuyo at walang puno. Mayroon din ditong malawak na disyerto. Tanging ang hilagang bahagi ng Kazakhstan ang maaaring pag taniman.
     Ang pangunahing industriya sa bansa ay ang pag mimina at pag dadalisay ng langis. May mayamang deposito ng copper, lead, zinc, nickel, bakal, manganese, ginto, at pilak dito. Kasapi ng UN,CIS, at OSCE ang Kazakhstan.
KYRGYZSTAN
Opisyal na Pangalan: Kyrgyz Republic
Uri ng Pamahalaan: Republika

Katulad ng nauna, ang Kyrgyzstan ay dati ring kabilang sa Unyong Sobyet subalit nag pahayag ng kalayaan noong 1991 nang mabuwag ang USSR.
     Ang Kyrgyzstan ay napaliligiran ng Kazakhstan sa hilaga, Tsina sa silangan, Tajikistan sa Timog, at Uzbekistan sa Kanluran.
     Maraming bulubundukin sa bansa at sa gitna ng mga ito ay makikita ang malalawak na lambak, talampas, at malalaking lubak. Mayaman sa mineral ang Kyrgyzstan kaya’t isa sa mga industriya rito ay ang pagmimina. Ang Kyrgyzstan ay kasapi ng UN,OSCE, at CIS.
RUSSIA
Opisyal na Pangalan: Russian Federation
Uri ng Pamahalaan: Federal Republic

Ang Russia ay ang pinaka malaking bansa sa buong Mundo. Sakop nito 1/9 ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Saklaw nito ang isang bahagi ng Europa at isang bahagi ng Asya. Ang bahaging Asya ng Russia na nasa silangan ng kabundukan ng Ural ay tinatawag na Siberia. Ang rehiyon ng Siberia ay may lawak na 13,488,588 kilometro kwadrado. Maraming bulubundukin dito at ang ilan sa mga ito ay ang Yablonovy, Stanovoy, at Sayan.
     Ang mga likas  na pinagkukunan ng yaman nito ay kakaunti, maliban sa mga mineral at hindi gaanong nalilinang ang mga yamang mineral dahil sa kalayaan ng mga pinagkukunan ng capital at teknolohiya. Makikita sa Siberia ang deposito ng langis na tinatayang pinaka malaki sa buong Asya. Sa mga gilid ng Artiko, ang mga halamng tumutubo ay mga lumot at pako, gayundin ang ilang punong conifer tulad ng igos. Sa dakong Timog ng Siberia makikita ang matataas na damo at mga punong Willow at birch. Makikita ang mga Hayop na oso, lobo, fox, sable, at lynx sa bansang ito. Ang balahibo ng mga ito ay ginagamit sa paggawa ng mga kasuotang panlamig.
     Kasapi ng UN, CIS, APEC at OSCE ang Russia.
TAJIKISTAN
Opisyal na Pangalan: Republic of Tajikistan
Uri ng Pamahalaan: Republika

Napalilibutan ang Tajikistan ng mga bansang Uzbekistan sa kanluran, Kyrgyzstan sa hilaga, Tsina sa silangan at Afghanistan sa timog. Mabundok ang bansa at ang karamihan sa mga ito ay nababalutan ng yelo sa tuktok.
     Pag sasaka ang ikinabubuhay ng mga tao rito. Ang mga pangunahing ani nila ay bulak, bigas, trigo, at prutas. Mayaman sa mineral ang bansang Tajikistan. Mayroon ditong malaking deposito ng langis, uranium, mercury, uling, lead, at zinc.
     Ang bansang Tajikistan ay kasapi ng UN,CIS, at OSCE.
TURKMENISTAN
Uri ng Pamahalaan: Republika

Ang bansang Turkmenistan ay isang bansang ubod nang init kaya’t tuyo at tigang ang lupain dito. Bihitang pumatak ang ulan sa lugar na ito sapagkat ang malaking bahagi ng bansa ay nasasakop ng Kara-Kum Desert.
     Matatagpuan ang bansang Turkmenistan malapit sa Dagat Caspian at napaliligiran ng Kazakhstan, Uzbekistan, Afghanistan, at Iran.
     Bagama’t tuyot ang lupain, nakakapag ani parin ng bulak, ubas, mais, at trigo rito. Langis ang pinaka mahalagang produkto sa bansa. May depositor in ng sulfur, at uling dito. Kasapi ito ng UN, CIS, at OSCE.
UZBEKISTAN
Opisyal na Pangalan: Republic of Uzbekistan
Uri ng Pamahalaan: Republika


Isang bansa sa Gitnang Asya na nahahangganan ng Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Afghanistan, at Turkmenistan ang Uzbekistan. Ito’y isa sa malalaking prodyuser ng bulak sa buong mundo. Bukod dito, umaani rin ang bansang Uzbekistan ng trigo, prutas, at gulay. Mayaman din ito sa mga mineral na tulad ng mga gas, langis, uling, ginto, uranium, pilak at copper. Ang Bansang Uzbekistan ay miyembro ng UN, CIS, at OSCE.